SEMESTRAL BREAK NA! :D

          Semestral Break? Ano nga ba ito? 

          Ang Semestral break o mas kilala bilang SemBreak ay isa sa mga pinakahihintay ng mga estudyante. Ito ang pansamantalang pahinga para sa mga tulad kong estudyante. Alam naman siguro nating lahat na kung SemBreak, ito ang mga araw na kung saan sinusulit natin ang magrelax. Nakagawian na rin nating mga Pilipino na kung Sembreak ay namamasyal tayo. May mga nangingibang bansa pa para lang makarelax ng todo-todo pero para sa mga ordinaryong estudyante lang na tulad ko, makapasyal lang kasama ang mga kaibigan ay masaya na.😀 Kung sa mga pami-pamilya naman, kadalasan ay swimming pool or beach resort ang pinupuntahan para magrelax.🙂

          Nagsimula lang naman ang SemBreak ko kasama ang mga kamag-anak at kaibigan ko.🙂 Sinimulan ko ang Sembreak sa pagswiswimming kung saan ako ay nasiraan ng cellphone dahil pati ito ay nakisama din sa pagswiswimming. Isang hindi makakalimutan ang araw na ito sa kadahilanang naksama ko ang mga kamag-anak ko.😀

           Sumunod naman ay ang mga kaibigan ko. Kapag kaibigan ang kasama, syempre pagkain ang inu-una.😀 Ganyan kaming magkakaibigan. Ang importante sa amin kapag magkakasama kami ay ang PAGKAIN. Naging masaya ako kasama sila pero sa isang iglap lang, nagalit sa akin ang best friend ka dahil sa biro kong hindi niya nagustuhan. Pero salamat sa Diyos, naayos din namin ito. :) 

 

          Simula pa lang yan ng aking SemBreak. May mga susunod pang mga mangyayari sa susunod na mga araw. Basta ang masasabi ko lang, MASAYA ang simula ng aking SemBreak.😀 Eh kayo? kumusta naman ang simula ng sembreak niyo? kwentuhan mo naman ako, oh.🙂Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s