“Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino”

Kaybilis nga namang lumipas ang mga araw. Agosto na at ito na ang buwan para sa ating sariling wika; ang Wikang Filipino. Ito ay nagagamit para sa komunikasyon ng bawat isa sa ating bansa. Sa bawat sulok ng bansa ay may kaniya-kaniyang diyalekto. Kaya nga may tinawag tayong Wikang Pambansa para kahit saan mang sulok ng Pilipinas tayo nakatira o naipanganak, maiintindihan at maiintindihan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino. Ang wikang ito ay napakaimportante sa akin at sa mga kapwa ko Pilipino dahil ito ang aming Pambansang Wika. Nararapat lamang itong gamitin at pagyamaning kusa. Katulad na lamang ng sinabi ni  Dr. Jose Rizal sa kanyang tula na “Sa Aking Mga Kababata” sa ikatlong taludtod.

“Ang hindi magmahal sa kanyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamaning kusa

Na tulad sa inang tunay na nagpala”

Tandaan po natin na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda. Tangkilikin, gamitin, mahalin at pagyamanin po natin ang ating sariling wika dahil ito ang isa sa mga sumisimbolo ng ating pagka-Pilipino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s